Ako’y napaisip sa mga
bagay na aking kinalalagyan
Hindi dahil ako’y nahihirapan
O di kaya ako’y suko na
O di kaya ayaw ko na
Sapagkat ako’y pagud na
Sapagkat ako’y hirap na
Maraming bagay ang pwede natin
Maisip sa mga pangyayare sa buhay natin
Para tayo ay sumuko, manghina
At mawalan ng pag asa
Pero alam nyo?? Kung bakit ako napaisip?
Sakabila ng aking kinalalagyan
Sakabila ng aking kahirapan
Sakabila ng aking kinakaharap
Sakabila ng aking hirap
Dahil sakabila ng aking mga kapaitan
Naroon ang kanyang kabutihan
Sakabila ng aking katanungan
Naroon ang kanyang kasagutan
Sakabila ng aking kahinaan
Kaloob nya ay kalakasan
Napaisip ako dahil sa lahat ng aking pinagdaan
Ako’y nananatiling nakatayo sa lahat ng panahon
Ngunit ito ang mas lalong kung naintindihan
Lahat ng aking pinagdaanan
Hindi nya ako pinabayaan
Maging siya may aking nakalimutan
Ako’y ni yakap nya sakabila ng aking mga kasalanan
Inabot sakabila ng aking karumihan
Minahal sakabila ng aking pagkukulang
Ako’y kanyang binago sakabila na aking kahinaan.