“Torpe”

Natatakot Ako.
Hindi sa multo, Hindi rin sa Engkanto.
Natatakot Ako.
Hindi sa kriminal na pumapatay ng tao,
Kung hindi sa pag amin sayo ng totoo.

Sa pag amin dito sa pag ibig na matagal ko nang nadarama para sayo.
Sa pag ibig na hindi ko makakayang ipagtapat sayo.

Natatakot ako na baka kapag sinabi ko sayo,
Iiwasan mo na ako, at pati na ang samahan nating dal’wa ay bigla na lamang magbago.
Natatakot akong ika’y magtampo at tuluyan ka nang lumayo dito sa tabi ko.
Subalit Paano na ito? Sapagkat mahal kitang totoo.

At kahit ‘di ka man maniwala, kailanman ay hinding-hindi ko sasaktan ang iyong puso.
Mananahimik na lang ba ako? O susuko nalang dahil sa takot na nadarama ko?

Dahil hanggang ngayon, Natatakot parin ako.
Hindi sa multo, Hindi rin sa Engkanto.
Natatakot ako na ika’y mawala sa Piling Ko.

Leave a comment